Hindi na pinalabas sa tanggapan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at inaresto ang taxi driver na si Jerico Rosalejos dahil sa reklamong sobra itong maningil sa pasahero.

Nakapiit ngayon sa Kamuning Police Station 10 si Rosalejos, driver ng taxi na may plakang UVM 119, matapos ipaaresto ni Board Member Atty. Ariel Enrile Inton kaugnay sa reklamo ng pasaherong si Mark Kevin.

Bukod sa sobra sa P40 na singil ay pineke rin ni Rosalejos ang kanyang lisensya at kinumpiska ang cellphone ng kanyang pasahero.

Sa showcause order ng LTFRB, inirerekomenda sa Land Transportation Office ang multang P5,000, 30 araw na suspensyon sa operasyon ng taxi at pagsuko ng plaka nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Binigyan naman ng limang araw na palugit ang operator ng taxi na si Merely Furuta upang sagutin kung bakit hindi dapat kanselahin ang prangkisa ng kanyang mga taxi. (Jun Fabon)