AYAW mag-spoiler ni Bianca Umali sa mga mangyayari sa Wish I May at puro “secret” ang sagot sa aming mga tanong kung ano ang susunod na mangyayari sa Afternoon Prime ng GMA-7 na tampok ang love team nila ni Miguel Tanfelix.

Ang sinasabi lang niya, mas magugustuhan pa, hindi lang ng BiGuel fans, kundi ng lahat ng sumusubaybay sa Wish I May ang mga susunod na episodes.

“Basta, abangan nila ang scene namin ni Ms. Camille (Prats) na malalaman ko na siya ang biological mom ko. So far, maganda ang feedback ng viewers sa soap, baka maabot namin ang target ng production at ng network na tatagal kami ng one year airing,” sabi ni Bianca.

Sa story ng Wish I May, sobra ang pang-aapi ni Alessandra de Rossi kay Bianca, pero sa taping, super close ang dalawa. ‘Tila nakahanap ng ate sa showbiz ang young actress kay Alex.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Si Ate Alex ang madalas kong kaeksena at sobra kaming nagkasundo. Para kaming soul sisters. Ang saya sa set ‘pag magkasama kami, lagi kaming nagkukuwentuhan, naglolokohan at naglalaro. Kung ano lang ang maisip namin, ginagawa namin. Masaya kami sa taping,” kuwento ni Bianca.

Sana, through Alex, matupad ang wish ni Bianca na makagawa ng indie film. Gusto niya ma-experience gumawa ng indie film, kung saan, active si Alex. (Nitz Miralles)