YENG copy copy

ASTIG talaga ng awiting Ikaw ni Yeng Constantino. As of now, 38,093,773 na ang view nito kaya ito ang most viewed OPM video of all-time sa YouTube.

Sa episode ng I Love OPM last Sunday ay napahanga kami ng Korean pop group na kumanta ng version ng Ikaw ni Yeng na ginawa nilang danceable na ni hindi namin naisip dahil nga love song ito.

Sa taping pa lang ng I Love OPM ay umani na ng malakas na palakpakan ang Korean group sabi mismo ng taga-ABS-CBN.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Ang lakas nu’ng Korean group, grabe ang hiyawan nu’ng taping. ‘Kita mo naman para silang nagko-concert talaga at ang ganda ng version nila ng Ikaw,” kuwento sa amin.

Sabagay, marami nang napapanalunang awards ang nasabing awitin ni Yeng, sa Wish 107.5 Music Awards 2015 -- Best Wishclusive Performance by a Female Artist; sa Alta Media Icon Awards 2015 -- Best Music Video; sa 28th Awit Awards 2015 -- Song of the Year; at sa 2015 PMPC Star Awards for Music -- Song of the Year.

Maging nang una pa lang ito i-upload ni Yeng Constantino sa YouTube (siya mismo ang sumulat, naglapat ng tunog at kumanta) noong Agosto 23, 2014 ay naging talk of the town agad ito dahil marami ang nagkainteres na panoorin ito.

“I wrote the song Ikaw for Yan (Asuncion),” sabi ni Yeng.

Ini-record niya ang kanta bago sila ikinasal noong Pebrero 14, 2014 kaya ito na rin ang naging wedding song nila.

Pero bago pa man ikinasal ang dalawa ay mas marami na ang naunang ikinasal na ang Ikaw ang ginawang wedding song, isa na ang kaibigan namin na nauna ng isang buwan sa kasal nila nina Yeng at Yan.

Kaya labis ang pasasalamat ng singer/songwriter at judge sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime sa lahat ng mga tumangkilik sa awitin nila ni Yan.

Samantala, gagawa ang Star Music ng kanyang 10th year anniversary album at lahat ng awiting ni Yeng na sumikat sa loob ng sampung taon ay magkakaroon ng musical play sa PETA simula Setyembre.

Hindi pa namin alam ang titulo dahil ginagawa pa raw ang script at casting naman sa first week of April.

(REGGE BONOAN)