MONTERREY, Mexico (AP) - Bumaha ng dugo sa isang kulungan sa Mexico matapos magkagulo ang mga bilanggo at atakehin ang bawat isa gamit ang mga martilyo, pamalo, at gawang patalim, ayon sa mga awtoridad.

Ayon kay Jaime Rodriguez, governor ng hilagang estado ng Nuevo Leon, 60 martilyo, 86 na kutsilyo, at 120 maliliit na patalim ang ginamit sa rambulan sa Topo Chico prison sa Monterrey, na 49 na bilanggo ang pinagtataga, nilamog sa bugbog, o sinilaban nang buhay, habang mahigit isang dosenang iba pa ang nasugatan.

“What we have to see as a reality in the entire penitentiary system is that there is self-rule by the inmates,” ayon kay Rodriguez. “All this corruption inside the prison creates the conditions we have today.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina