Blake Griffin (AP)
Blake Griffin (AP)

LOS ANGELES — Sinuspinde ng Clippers si Blake Griffin ng apat na laro na walang bayad nitong Martes (Miyerkules sa Manila), bunsod ng pananapak sa isang miyembro ng supporting staff.

Kailangan ding bayaran ng one-time All-Star ang iba pang gastusin sa kanyang hindi paglalaro dahil sa pagkabasag ng kanang kamao bunsod ng insidente.

Sa kabuuan, mababawasan ng $859,442 ang tumataginting na $18,907,725 suweldo ni Griffin ngayong season.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon sa tagapagsalita ng koponan, sisimulan ang suspensiyon kung magaling na ang kanyang injury at puwede na siyang magbalik-laro. Inaasahang mapapahinga siy ng apat hanggang anim na linggo mula nang maganap ang insidente noong Hunyo 23 sa Toronto.

“We have made it clear that this conduct has no place in the Clippers organization,” pahayag nina team owner Steve Ballmer at coach Doc Rivers sa inilabas na joint statement.

“Blake is remorseful and has apologized for his actions. He is a valued member of our Clippers family and we support him as he rejoins the team.”

Anila, ibibigay sa isang charity organization ang makukuhang multa kay Griffin.