Onsehal sa ilegal na droga ang sinisilip na motibo sa pagpatay sa isang pedicab driver makaraan siyang pagbabarilin ng umano’y kinukunan niya ng epektos sa Malabon City, nitong Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Anthony Tomboco, 35, ng P. Concepcion Street, Barangay Tugatog, dahil sa tama ng bala ng .9mm sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang salarin na nakilala lamang sa alyas na “Angel”, na umano’y pinagmumulan ng ilegal na droga na ibinebenta ng biktima.

Sa report ni SPO2 Jerry Dela Torre, dakong 10:15 ng gabi at naglalakad ang biktima sa Tumarez Street sa Bgy. nang sinalubong siya ng suspek at pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nauna rito, napag-alaman na kinumpronta ng suspek si Tomboco kung bakit hindi nito ibinigay ang P14,000 na pinagbentahan ng droga.

Nagbanta pa umano ang suspek kay Tomboco na may mangyayaring masama dito kapag hindi agad naibigay ang nasabing halaga. (Orly L. Barcala)