Iginiit ni Turkish President Tayyip Erdoğan na dapat managot ang Russia sa pagkamatay ng 400,000 katao sa Syria.
Ayon kay Erdoğan, pinanghimasukan ng Russia ang Syria at sinusubukang magtayo ng isang “boutique state” para sa matagal nang kakampi na si President Bashar al-Assad.
Matatandaang libo-libong Syrian ang tumakas upang maiwasan ang malawakang pagsalakay ng Russian military sa Aleppo noong Biyernes, sa layong matakasan ang lumalalang digmaan sa lugar.