Sa gitna ng tumaas na bilang ng kaso ng child abuse sa bansa, nanawagan ang gobyerno sa publiko na makibhagi sa solusyon upang maiwasan ang pang-aabusong sekswal sa mga bata sa kanilang mga sariling pamilya at komunidad.

Ito ang panawagan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at lahat ng mga kaugnay nitong ahensiya, at ang Council for the Welfare of Children, sa pag-obserba ng bansa ng 20th National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation sa Pebrero 8-13, na may temang “I am the Solution.”

“It is the responsibility of every citizen to be vigilant and immediately report abuses committed against children in their families and communities to the authorities,” pahayag ni DSWD Secretary Dinky Soliman.

Muli rin niyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapatupad sa Presidential Decree 603, na nag-aatas sa bawat lungsod at munisipalidad sa Pilipinas na magkaroon ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) bilang isang paraan upang makatulong na masugpo ang lahat ng uri ng pang-aabuso laban sa mga bata. (Ellalyn De Vera)

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order