Pebrero 7, 1964 nang makarating sa JFK Airport sa New York City ang mga miyembro ng iconic rock-and-roll band na “The Beatles”, mula sa Heathrow Airport sa London, para magtanghal sa Amerika sa unang pagkakataon. Sinalubong sila ng kanilang mga tagahanga na bitbit ang mga placard at banner, at maging ang 200 mamamahayag na nais silang makapanayam.
Makalipas ang dalawang araw, unang nasilayan ang apat na miyembro ng banda sa variety program na “Ed Sullivan Show”, na tinutukan sa telebisyon ng may 73 milyon.
Pebrero 11 nang dumagsa ang nasa 20,000 katao ang dumalo sa unang US concert ng banda sa Coliseum sa Washington D.C.
Kinabukasan ay nagkaroon pa ng dalawang pagtatanghal ang banda sa Carnegie Hall sa New York, na naging dahilan ng “fan hysteria.”
Nagbalik ang “The Beatles” sa England noong Pebrero 22.