Tatlong malalaking billboard ang binaklas ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City Hall sa EDSA dahil sa paglabag sa building code.

Dakong 8:00 ng umaga nitong Martes nang baklasin ang mga billboard sa bahagi ng Kamuning Avenue, EDSA ng mga tauhan ng DPOS, sa pamumuno ni retired Supt. John Ganzon.

Unang tinanggal ng demolition team ang tarpaulin bago binaklas ang malaking istrukturang bakal na nakatayo sa gilid ng Kamuning Avenue.

Napag-alaman sa mga opisyal ng pamahalaang lungsod na matagal nang inirereklamo ang mga higanteng billboard dahil delikado ang mga ito tuwing may bagyo sa Metro Manila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mayroon ding natukoy na paglabag ang mga naturang istruktura sa Building Code SP-2109.

Nabatid naman kay Roger Cuaresma, ng DPOS, na pinaldahan nila ng notice ang operator at may–ari ng mga billboard na may nakitang paglabag. (Jun Fabon)