Binokya ng reigning champion Adamson ang University of Santo Tomas, 10-0, sa loob lamang ng apat na innings upang patuloy na hilahin ang record winning streak sa 63 laro sa pagpapatuloy ng UAAP Season 78 softball tournament nitong Lunes sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nagtala ng homerun sa second inning ang beteranang miyembro ng Blu Girls na si Queenie Sabobo kung saan nagawa ng six-peat seeking Lady Falcons ang apat na runs para makalayo sa iskor na 6-0.

Bukod dito, nagtala rin ang reigning Home Run queen ng limang RBIs upang pangunahan ang Adamson katuwang ang pitcher na si 2-time MVP Analie Benjamen.

Sa iba pang laban, inungusan ng National University ang Ateneo , 2-1,para sa maagang pamumuno na may kartang 2-0.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nangibabaw din ang University of the East kontra De La Salle, 4-3,para makapasok sa win column.

Dahil sa kanilang panalo, tabla ang Lady Warriors at Tigresses sa 1-1, habang nalasap ng Lady Eagles at Lady Archers ang kani-kanilang ikalawang sunod na kabiguan. (Marivic Awitan)