Labing - walong katao ang naaresto sa pagsalakay ng mga tauhan ng District Anti Illegal Drugs ng Quezon City Police District (QCPD-DAID) sa Quezon City, iniulat kahapon.

Ayon kay QCPD-Public Information Office P/Chief Insp. Jeffrey Bilaro, dakong 10:00 ng gabi nang sumalakay ang DAID agents sa pamumuno ni P/Supt. Enrico Figueroa sa Barangay Pasong Tamo, Sitio Bacood, Tandang Sora, Quezon City.

Naaktuhan sa drug session ang lima sa mga inaresto na sina Joselito Elettion, 33; Dario Escuerdo, 26; Joan Diongco, 34; Ivor Joshua Bukar, 31, at Nino Marco, 33, pawang residente sa lugar.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 60 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P120,000 at mga drug paraphernalia.

Relasyon at Hiwalayan

Kim Jones, tinulungan si Jericho Rosales sa major decisions nito

Nakatakas ang itinuturong nagpapatakbo ng drug den na si alyas Makol. (Jun Fabon)