Isusulong ng Department of Agriculture at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang MPAs (Marine Protected Areas) sa buong kapuluan upang maprotektahan ang coastal areas ng Pilipinas.
Sinabi ni Cebu 4th District Rep. Benhur L. Salimbangon, chairman ng House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources, na kailangang magtatag ng MPAs sa dalampasigan ng mga siyudad at bayan dahil sa panganib na kinakaharap ng marine ecosystem.
Ayon naman kay Agusan del Norte 1st District Rep. Lawrence Lemuel H. Fortun, may akda ng HB 5836, na layunin ng Marine and Coastal Resources Protection Act na masiguro ang partisipasyon ng komunidad sa pagpoprotekta sa marine protected areas. (Bert de Guzman)