NEW YORK (AP) – Ang kahilingan ni David Bowie na ikalat ang kanyang abo sa isang Buddhist ritual sa Bali, Indonesia ang huli sa serye ng mga kakaibang kahilingan ng mga celebrity sa kanilang pagpanaw. Ang nakagugulat na mga kahilingang ito, at ang curiosity kung bakit ito ang nais nila, ay matutunton pa sa hiniling ni William Shakespeare na ipamana sa kanyang asawa ang kanyang “second-best bed.”

Narito ang ilan sa luminaries na ang mga huling habilin ay tunay na kakaiba.

SIMPLENG HILING

Habang tinataya ni Benjamin Franklin ang kanyang mga ari-arian, mula sa mga lupain hanggang sa printing materials at mga libro na tutukuyin sa kanyang will, ipinamana niya sa kanyang anak na babae ang isang diamond-encrusted miniature portrait ni Louis XVI ng France, isang regalo mula sa hari. Ngunit may simpleng kahilingan itong kaakibat:

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

hindi maaaring gawing alahas ng dalaga ang nasabing obra “and thereby introduce or countenance the expensive, vain and useless fashion of wearing jewels in this country.” Pinagkalooban din ni Franklin ng isang tungkod, na ginintuan ang dulo, ang tinagurian niyang “friend of mankind”, si George Washington. Pumanaw si Franklin noong 1790.

‘HAVE DINNER ON ME’

Nag-iwan ng espesyal na thank-you note ang choreographer at direktor na si Bob Fosse sa 66 na mga kaibigan niya sa mundo ng sining: $378.79 bawat isa, “[to] go out and have dinner on me.” Ang mga benepisyaryo — na kinabibilangan nina Dustin Hoffman, Jessica Lange, Neil Simon, at E.L. Doctorow — “all have, at one time or another during my life, been very kind to me,” paliwanag ni Fosse sa kanyang will. Pumanaw ang direktor at choreographer ng Sweet Charity, Chicago, at All That Jazz noong 1987.

MASUWERTENG TAGAPAGMANA

Naging laman ng mga balita ang hotel tycoon at convicted tax evader na si “Queen of Mean” Leona Helmsley nang pumanaw siya noong 2007, dahil nabatid ng publiko na ipamamana niya ang kanyang $12 milyong ari-arian sa kanyang aso, isang Maltese na pinangalanang Trouble. Kalaunan, binawasan ng hukom ang pamana kay Trouble at naging $2 million na lamang ito. Tumira sa Florida si Trouble hanggang sa pumanaw na rin ito noong 2011.

PANININDIGAN

Buong buhay ng Beastie Boys member na si Adam “MCA” Yauch ay nag-rap siya na “[he wouldn’t] sell my songs for no TV ad,” at tiniyak niyang magkakatotoo ito sa pamamagitan ng kanyang will. Tinukoy niya sa kanyang will na hindi maaaring magamit sa advertisement ang kanyang musika, litrato, at pangalan. Pumanaw siya noong 2012.

PINAKAMAHALAGA: KULTURA

Nais ni Philip Seymour Hoffman na may maipamana sa kanyang mga anak, hindi lamang pinansiyal, kundi maging sa kultura — at para sa kanya, nangangahulugan ito ng pagtira sa Manhattan, Chicago o San Francisco. Nakasaad sa will ng Oscar-winning actor na palakihin ang kanyang mga anak sa alinman sa nabanggit na mga lugar, o kahit pabisitahin man lamang ang mga ito ng mahigit sa dalawang beses bawat taon “[to] be exposed to the culture, arts and architecture that such cities offer.” Taong 2014 nang pumanaw ang bida ng Capote, Doubt, at The Master.