Kumpiskado kahapon ang limang kahon na naglalaman ng mga endangered animal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Philippine Airlines Cargo na sana’y ilalabas sa bansa ng isang airport security screener patungong Japan.

Kinilala ang suspek na si Gerald Bravo, nakatalaga sa Office of Transportation Security (OTS) sa NAIA Terminal 3.

Sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Ernesto Adobo na halos isang buwan na nilang minamanmanan si Bravo matapos silang makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa ilegal na pagbebenta nito ng mga endangered species.

Kabilang sa mga nabawi kay Bravo ang 11 tarsier, 11 monitor lizard, walong sailfin lizard, anim na water snake, limang rate snake, tatlong head scoops owl, at tatlong Philippine Eagle.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Base sa mga dokumentong nabawi kay Bravo, ang mga endangered species ay galing sa Cartimar sa Pasay City, at sana’y ipadadala ng suspek sa isang “Shoji Masuyama” sa Japan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9147 o illegal trade of wild life. (Ariel Fernandez)