BUENAVISTA, Quezon – Isang 14-anyos na babae na pinaniniwalaang ginahasa bago pinatay ang natagpuan sa isang niyugan nitong Huwebes sa bayang ito.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala lamang ang biktima sa pangalang Julia at wala nang iba pang detalyeng inilabas ang pulisya.

Dakong 12:30 ng tanghali nitong Huwebes nang iniulat sa pulisya ng isang residente ang pagkakatagpo sa dalagita, na walang saplot pang-ibaba, sa may niyugan.

Batay sa imbestigasyon ng mga rumespondeng pulis, sa pangunguna ni Senior Insp. Danilo Llave, Jr., hepe ng Buenavista Police, may mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at may mga sugat sa leeg.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya para makakuha ng karagdagang impormasyon sa insidente.

Kinukumpirma naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng pulisya, sa Camp Nakar, Lucena City, sa awtopsiya kung ginahasa nga ang dalagita. (Danny J. Estacio)