Enero 28, 1855 nang tumawid ang mga tren ng Panama Railway sa Isthmus of Panama sa unang pagkakataon.

Bago ito, kinakailangan pang umalis ng mga manlalakbay sa Nicaragua’s east coast upang maiwasan ang mahabang biyahe dahil dadaan pa ito sa dulo ng South America. Sasakay sila sa maliit na bangka patungong Lake Nicaragua, babaybayin ang lawa sa pamamagitan ng malalaking steamer, at sasakay sa karwahe para makarating sa kanilang destinasyon.

Gayunman, makikita sa mga mapa na ang Panama ang may pinakamaliit na distansiya sa pagitan ng Pacific at Atlantic Ocean, at noong 1847, itinatag ng ilang New York financier ang Panama Railroad Company.

Ang mga biyaherong nasa labas ng North America ay maaaring mas mabilis na makabiyahe sa California sa pagsakay sa barko at tren na dadaan sa Isthmus. Nakatulong ito sa pagpapalago sa ekonomiya ng Panama hanggang sa matapos ang Panama Canal.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?