Roderick copy

PINAG-UUSAPAN at naging laman ng balita ang actor at Quezon City District 2 Coun. Roderick Paulate dahil sa pagkakasibak sa kanya ng Ombudsman sa puwesto.

Siyempre, sobrang nalungkot ang actor/politician sa lumabas na hatol ng Ombudsman sa kasong pagkakaroon ng ghost employees sa kanyang opisina.

Ayon kay Roderick nang makausap namin sa pamamagitan ng kapwa niya konsehal at kaibigan naming si Coun. Precious Hipolito-Castelo, hindi naman daw natutulog ang Diyos.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Kagaya nga ng sinasabi ko sa mga nagtatanong sa akin ngayon, eh, the truth will prevail. God is good and just. He knows the truth,” sabi ng komedyante.

Dagdag pa ni Roderick, iniiwasan na rin niyang magkomento ng mahaba. Aniya, masyado raw pinalaki ang isyu at itinaon pa kung kailan papalapit na ang eleksiyon.

“Sobrang nakakadismaya lang dahil kung minsan talaga, eh, sobrang OA ang mga news na naglabasan. Hindi naman ito malaki, parang sobrang pinapalalaki lang ng mga taong nasa likod ng mga kasinungalingan na ito,” paliwanag pa ni Roderick.

Kuwento niya, may mga nakikisawsaw at may mga humuhusga sa kanya kahit hindi naman alam ng mga ito ang mga nangyayari. Dahil daw sa mga ito, napag-uusapan lalo ang isyu.

“Maraming mga humusga agad ni hindi pa nga nila naiintindihan kung ano talaga ang totoo. Nakakalungkot lang, eh, ngayon pa na election period na. Basta, truth will prevail,” sey pa rin ni Roderick.

Napag-alaman namin na mismong si Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pumirma para sa naturang dismissal na may kasamang isa pang konsehal si Roderick.