anne copy

IPINAGMAMALAKI ni Anne Curtis na nakasulat na siya ng isang librong pambata na ayon sa kanya ay ginawa niya para sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).

Nakiusap siya sa lahat ng kanyang followers na sana ay suportahan siya sa paglabas ng kanyang first ever children’s book. Pagmamalaki pa ni Anne, tiyak naman daw na hindi siya pababayaan ng kanyang mahigit sa apat na milyong followers sa Instagram.

“Ipinakita ko na sa Instagram ang picture ng book that I wrote. It’s here, the printing proof of my very first children’s book that I wrote for the UNICEF Philippines, I can’t wait for all of them to meet ‘Anita, The Duckling Diva’,” sey ng dalaga.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Lahad pa ni Anne, nakatakdang ilunsad ang kanyang libro sa February 17, itinaon sa kanyang 31st birthday.

Aniya, ang kuwento ng libro ay tungkol sa isang duckling na mahiyain pero pinilit na magbago sa tulong ng kanyang pamilya at kaibigan.

Siyempre, ang proceeds ng aklat ay mapupunta sa mga iba’t ibang proyekto ng UNICEF.

Samantala, excited na rin si Anne na panooring ang pelikulang Everything About Her na ang bida ay si Gov. Vilma Santos, ang ina ng kanyang super best friend na si Luis Manzano. (JIMI ESCALA)