Enero 23, 1949 nang magkaroon ang United States (US) ng unang babaeng medicine practitioner, si Elizabeth Blackwell, na pinagkalooban ng medicine degree mula sa Geneva College (ngayon ay Hobart College) sa New York.

Si Blackwell ang may pinakamataas na grado sa kanyang klase, kahit na dumanas siya ng pangungutya dahil sa kanyang kasarian. Isinilang siya sa Bristol sa England, ngunit nag-migrate sila ng kanyang pamilya sa US noong siya ay 10 taong gulang pa lamang. Nais niyang maging doktor matapos sabihin ng kanyang naghihingalong kaibigan na nakaligtas sana ito kung babae ang doktor na gumamot dito.

Sinanay niya ang sarili sa medisina sa loob ng ilang taon pagkatapos ng kanyang graduation, at itinatag ang New York Infirmary for Women and Children katuwang ang kanyang kapatid na doktor na si Emily noong 1857.

Taong 1857 nang maging gynecology professor si Blackwell sa London School of Medicine for Women.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’