KALIBO, Aklan – Isang magkapatid na kapwa tinutugis ng batas ang sanay na naaresto ng Tangalan Police kamakailan.

Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Jonipel Celes, 38; at Ramcel Celes, 37, ng Sitio Kabulihan, Barangay Pudiot, Tangalan.

Ayon kay PO3 Nida Gregas, public information officer ng Aklan Police Provincial Office, number 1 at number 2 most wanted ng Tangalan ang magkapatid, na inaresto sa tatlong kaso ng murder sa magkakahiwalay na pagkakataon.

Sinabi pa ni Gregas na hindi pinayagang makapagpiyansa ang magkapatid.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng awtoridad kung mga miyembro ng sindikato ng hired killers ang mga suspek.

(Jun N. Aguirre)