Sinibak sa puwesto ng Office of the Ombudsman sina Quezon City First District Congressman Francisco “Boy” Calalay at Second District Councilor Roderick Paulate dahil sa pagkakaroon ng ghost employees.

Sa nilagdaang dismissal order ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, napatunayang “guilty” sina Calalay at Paulate sa kasong falsification of official documents, serious dishonesty at grave misconduct. Nag-ugat ang kaso sa pagkakaroon ng ghost employees ng dalawang konsehal ng Quezon City noong 2012.

Bukod sa kanselasyon ng eligibility at pag-alis sa kanilang retirement benefits, pinagbawalan na ring humawak ng anumang puwesto sa gobyerno sina Calalay at Paulate. (Jun Fabon)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador