Dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dating ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) habang ito ay patungo sa Court of Appeals (CA) sa Maynila, kahapon ng umaga.

Dakong 8:00 ng umaga nang isilbi ng mga tauhan ng Pandacan Police Station ang warrant of arrest kay Lowell Menorca sa panulukan ng Nakpil St. at Taft Avenue subalit naudlot ito, ayon sa panayam kay Supt. Ed Leonardo.

“Nagkaroon ng kaguluhan. Isa sa mga babae na kumukuha ng video ang umagaw sa kopya ng warrant hanggang sa mapunit ito. Tinangay din niya ang ID ng pulis na nagsisilbi ng warrant,” ayon kay Leonardo.

“Nakialam din ang mga bodyguard kaya nakatakbo si Menorca palayo sa mga pulis,” dagdag ni Leonardo.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Gamit ni Menorca ang dalawang kotse nang lumabas siya mula sa Regency Hotel sa George Bocobo St. noong gabi bago siya arestuhin ng mga tauhan ng Pandacan Police Station.

Mula noon, sinabi ni Leonardo na minamanmanan na nila ang kilos ng dating ministro ng INC.

Idinepensa rin ni Leonardo, miyembro ng INC, ang hindi pagsusuot ng uniporme ng tatlong pulis na umaaresto kay Menorca. (Jenny F. Manongdo)