Laro ngayon
Araneta Coliseum
7 p.m. Alaska vs. San Miguel Beer
Alaska tatangkaing makadalawang panalo kontra SMB.
Makakuha ng mas mabigat na 2-0 bentahe ang tatangkain ng koponan ng Alaska sa muli nilang pagtutuos ng reigning champion na San Miguel Beer sa Game Two ng kanilang best-of-7 finals series ngayong gabi para sa 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Naghahabol hanggang sa huling tatlong minuto ng Game One, nakalamang ang Aces matapos ang inilatag na 16-4 blast upang maagaw ang kalamangan sampu ng panalo sa Beermen para sa 1-0 bentahe sa serye.
Lubhang nahirapan ang Aces na maungusan ang Beermen sa kabila ng hindi paglalaro ng reigning back-to-back MVP ng liga na si Junemar Fajardo, bagay na hindi nagustuhan ng kanilang mentor na si Alex Compton.
“San Miguel handled us for 40? 44 minutes? I don’t know how long they had the lead but I didn’t like the way we’re playing,” pahayag ni Compton.
“It’s a hard adjustment to have the most dominant big man in the nation to be suddenly out and prepare,” pag-amin niya sa hirap na dinanas sa biglaan nilang adjustment sa pagkawala ni Fajardo.
Gayunman, ayon kay Compton ay pinahanga siya ng kanyang players sa maikling panahon ng kanilang naging adjustment at inaasahan niyang magpapatuloy ito anuman ang mangyari sa gitna ng balitang posibleng lumaro sa Finals si Fajardo na nauna nang napaulat na “out” na sa kabuuan ng series.
“We gotta win 3 more games. We’re up 1-0 in the last All-Filipino but still, we lost the series.
Sa kabilang dako, bagamat aminadong lubha nilang na-miss ang presensiya ni Fajardo kapwa sa opensa at depensa, naniniwala si San Miguel Beer coach Leo Austria na malaki ang kanilang tsansang makabawi lalo’t magagawa nilang ingatan ang bola sa susunod na laro.
“We have a hard time defending them(Aces), we’re outrebounded by 20, we committed a lot of turnovers and they made 23 points out of our turnovers.We must take care of the ball.In the last 3 minutes, our turnovers killed us,” pahayag ni Austria.
Samantala, may magandang balita naman ang doctor na tumingin sa injury ni Fajardo na si Dr. Raul Canlas.
Ayon sa bantog na orthopedic surgeon, hindi na kinakailangang operahan ang tuhod ni Fajardo dahil “intact” naman ang ACL (anterior cruciate ligament) maging ang PCL (posterior cruciate ligament) nito.
“According to the doctor, he will be back in the series,” ani Austria.“But I don’t know when, dahil understanding his situation, nandun yung swelling tapos mawawala at bumabalik, so that means there’s something wrong.”
“But they told me it’s not serious. There’s no need for any surgery.”
“Actually he (Dr. Canlas) told me that let’s see if he can play on Tuesday,” dagdag niya. “And I told him that if he’s not one-hundred percent, I don’t want him to play because I don’t want to aggravate his injury. Maybe Friday, we’re hoping. But we don’t know yet.” (MARIVIC AWITAN)