SAN FERNANDO CITY, La Union – Patay ang guwardiya ng La Union Provincial Jail matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang service vehicle habang nakaparada sa bakanteng lote sa tapat ng Legislative o Marcos Building sa Francisco Ortega Highway, nitong Sabado ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanang mata, leeg, at balikat si Jonathan A. Casuga, 39, prison guard I sa nasabing piitan, at residente ng Barangay Masicong.

Ayon sa katrabaho ni Casuga, na humiling na huwag pangalanan, nakita niyang hinihintay ng biktima ang iba pang mga kasamahan nito sa trabaho nang bigla na lamang barilin ng hindi nakilalang suspek. (Erwin G. Beleo)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol