Naaresto ang isa sa mga pangunahing drug pusher sa Valenzuela City makaraang salakayin ng pulisya ang bahay nito sa lungsod, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Chief Insp. Allan R. Ruba, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG), paglabag sa Article 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kinahaharap ni Abdul Azis, 38, ng Mariano Apartment, Matias Street, Barangay Punturin, matapos siyang mahulihan ng mga tooter na may lamang shabu, pitong aluminum foil, lighter at mobile phone.

Kinasuhan din si Azis ng paglabag sa Comelec Resolution 10015 matapos siyang mahulihan ng balisong, at resisting arrest nang manlaban siya sa mga pulis.

Sinabi ni Ruba na dakong 7:30 ng gabi nang salakayin nila ang bahay ng suspek dahil na rin sa reklamo ng mga kapitbahay hinggil sa pagbebenta nito ng ilegal na droga. (Orly L. Barcala)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente