Handa na ang Department of Health-MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) sa pagdaraos ng Nationwide Deworming Day sa Enero 27.

Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, natapos na nila ang orientation sa mga komunidad at mga guro para sa gagawing deworming at natukoy na rin ang mga estudyante na makikinabang sa pagpupurga.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Janairo ang mga magulang na tiyaking nakakain ang kanilang mga anak bago tumanggap ng pampurga upang maiwasan ang adverse reaction ng gamot, gaya ng allergy, pananakit ng tiyan o pagtatae.

Sinabi ni Janairo na hindi maiiwasan na magkaroon ng epekto ang deworming sa bata na mararanasan sa loob ng 10 oras matapos makatanggap ng gamot, ngunit normal at mild lamang naman ito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Target ng kampanya ngayong buwan ang tatlong napabayaang tropical disease na soil-transmitted helminthiasis, filariasis at schistosomiasis.

Kabilang sa mga bibigyan ng pampurga ay mga batang edad lima hanggang 12. (Mary Ann Santiago)