CONCEPCION, Tarlac — Pinagbabaril sa leeg ng dalawang lalaki ang isang binata sa Barangay San Nicolas Balas, Concepcion, Tarlac.

Sa ulat ni SPO1 Eduardo Sapasap, kinilala ang namatay na si Pedro Gonzales, 37, tubong Pulilan, Bulacan, at pansamantalang nakatira sa lugar.

Ayon sa isang saksi, bago pinaslang si Gonzales ay nakita niyang pumarada sa tapat ng bahay ng biktima ang isang itim na kotse sakay ang dalawang tao.

Ayon sa report, kinumpronta ng mga armadong suspek si Gonzales sa isang personal na bagay at pagkatapos ay pinagbabaril sa leeg.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagsagawa na ng follow-up investigation ang Concepcion Police tungo sa ikaaaresto ng mga suspek, na pinaniniwalaang mga hired killer. (Leandro Alborote)