Bianca Umali on 9GAG copy

LAKING tuwa ng GMA Artist Center star na si Bianca Umali nang malaman niyang na-feature siya sa 9gag.com, isang kilalang website at social media platform na nagtatampok ng trending photos, gifs, at iba pang nakakaaliw na content.

Lumabas ang kanyang mga litrato sa nasabing website na may caption na, “This 15-year-old girl got the beauty, but she also got talents and brain.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon kay Bianca, masaya siya na makita ang post tungkol sa kanya.

“9gag is actually one of my favourite sites. When I saw myself in the site, I couldn’t believe that I was featured in it. I felt surprised, happy, and excited all at the same time,” sabi ng dalagita.

Samantala, bida uli si Bianca sa panibagong GMA Afternoon Prime series na Wish I May katambal si Miguel Tanfelix.