Enero 12, 1984 nang magpasya ang international panel na nangangasiwa sa noon ay restoration sa mga pyramid sa Egypt na gamitin ang paraan ng konstruksiyon ng mga sinaunang Egyptian sa pagpapanumbalik sa anyo ng mga nasabing landmarks, tatlong taon ang nakalipas matapos simulan ang modernong konstruksiyon nito. Sa halip na gumamit ng mortar, ipinatupad ng mga obrero ang sistema ng pagsasalansan ng mga bloke, at naging maayos ang konstruksiyon pagkatapos nito.

Noong unang bahagi ng 1980s, nagpakita ng mga senyales ng pagkabulok ang mga pyramid. Nabigo ang mga sumunod na pagtatangka ng restoration matapos magkahiwa-hiwalay ang mga kalapit na limestone store dahil sa tubig sa modernong semento.

Sa loob ng mahigit 1,000 taon, itinayo ng mga Egyptian ang nasa 100 pyramid bilang libingan ng mga maharlika, dahil pinaniniwalaang napapabilis ng pyramid ang paglilipat ng mga pumanaw na maharlika patungo sa kabilang buhay.

Gayunman, tinangay ng mga magnanakaw ang mahahalagang bagay at yaman na itinago sa loob ng mga pyramid sa loob ng maraming siglo.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Ang Great Pyramid ay binubuo ng mga bloke ng yellow limestone, at ang loob ng libingan ay gawa naman sa malalaking bloke ng granite.