Ni Angie Oredo
Nagawang iuwi nina Mark Anthony Oximar ng Antipolo City at Cinderella Agana-Lorenzo ng Roxas City ang karangalan bilang kampeon sa men at womenâs centerpiece 21Km ng 12th Philippine Stock Exchange, Inc. (PSE) Bull Run 2016: Takbo Para Sa Ekonomiya sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Linggo ng umaga.
Inungusan ng 22-anyos na si Oximar,isang third year Education student at varsity athletics member ng Polytechnic University of the Philippines-Sta. Mesa, ang kasabayan sa buong ruta ng half-marathon at sumegundang si Greg Vincent Osorio sa photo-finish na bakbakan tungo sa finish line.
Naorasan si Oximar ng 1:19:39, isang segundo ang agwat kay Osorio na iniwanan na lang niya sa sprint ayon na rin sa kanilang napag-usapan.
Pumangatlo naman si Hotel Sofitel Phiippine Plaza Manila gardener Carlito Fantilaga sa oras nitong 1:23:16.
Gayunman, mas mabagal ang oras ni Oximar kaysa nang tumersera siya sa half-marathon ng 10th Laguna Phuket International Marathon 2015 noong Hunyo sa Thailand na 1:18:07.7.
âNag-usap kami ni Osorio na one money na lang kami,â pag-amin ni Oximar, sa ilang sportswriters sa naging kasunduan nila ni Osorio na pagsamahin ang mga makukuha nilang cash prize saka paghatian.
Coast-to-coast victory naman ang 26-anyos na residente ng Taguig at may tatlong supling na lalaki sa asawa niyang sundalo na si Lorenzo.
Naorasan ang kasapi rin ng Fort Striders Running Club ng 1:35:05 na sinundan ni April Rose Diaz (1:39:41) at Amanda Carpo (1:42:32).
Bukod sa mga nabanggit na winners, tumangap din ng kanilang kaukulang premyo mula kina PSE president/CEO Hans Sicat, COO Roel Refran, at Mary Anne Ringor at Adlai Asturiano, kapwa ng EdEvents Manila ang top three male & female winners sa 16K Trial na sina Richard SalaĂąo ng Marilao, Bulacan (59:33), Joe-Marie Jovelo (1:00:25) at Jose Foster (1:04:23), Janette Lumidao ng Fairview, Quezon City (1:16:28), 1996 National Milo Marathon champion Liza Relox-Delfin (1:27:53) at Jen Cabbab (1:39:42) gayundin ang mga 10K Race top finishers na sina Nico Cortez (33:26), Gilbert Laido (35:40) at Rollie Paderna (36:27), Mac Rose Dichoso (42:28), Vilma Sta. Ana (46:56) at Lian Reyes (50:1); at mga 5K top 3 na sina Kimbert Sarmiento (23:12), Archie Abayon (23:37) at Ronald Salgado (25:10), Mary Grace Villafuerte (31:50) at Kimberly Li (34:01).