Patay ang isang 12-anyos na estudyante matapos mahagip ng isang sports utility vehicle (SUV) ang sinasakyan niyang tricycle sa CM de los Reyes sa Barangay Poblacion I, Amadeo, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO1 Glenford Dolor Alcaraz ang nasawi na si Mark Brian Sumagui Digman, estudyante ng Amadeo Central Elementary School, at residente ng Bgy. Poblacion IV.

Natagpuan ang bangkay ni Digman sa tabi ng kalsada, dakong 7:00 ng umaga.

Naaresto ng pulisya ang driver ng Mitsubishi Montero Sport (VEX-452) na si Dr. Edmond Encarnacion Declaro, ng Mabini, Lemery, Batangas matapos maplakahan ni Fernando Survan Ostal, 50 anyos.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Lumitaw sa imbestigasyon na inabandona umano ni Declaro ang kanyang Montero sa parking area ng isang hamburger chain sa Barangay Manggahan, General Trias City nang matunugan na pinaghahanap siya ng awtoridad.

Ayon sa pulisya, sakay si Digman ng isang service tricycle (WX-4903) nang mahagip ito ng Montero ni Declaro.

Nakaupo si Digman sa likuran ng driver ng tricycle na si Louie Bayot Javier nang banggain ito ng Montero.

Kasalukuyang iniimbestigahan si Declaro habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting to homicide sa Provincial Prosecutor’s Office. (Anthony Giron)