TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Dinakip ng mga pulis ang isang pugante, na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa korte dahil sa pagkakasangkot umano niya sa carjacking, pagbebenta ng ilegal na droga, panghahalay, at pagnanakaw, sa isang entrapment operation sa Barangay Ugac Norte, Tuguegarao City, nitong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Christopher Tuliao de Luces, 32, ng Bgy. Bulihan, Silang, Cavite. Siya na lang ang hindi pa nadadakip sa walong bilanggo na tumakas mula sa piitan ng Silang Police Sub-Station I noong madaling araw ng Nobyembre 25, 2015.

Natukoy ng mga pulis ang kinaroroonan ng suspek sa pamamagitan ng pinaigting na intelligence operations ng pulisya.

Nasakote si De Leces dakong 12:00 ng tanghali nitong Huwebes sa bahay ng isa niyang kaanak sa Gonzaga Extension, Bgy. Ugac Norte, Tuguegarao City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Una nang naaresto ng pulisya ang mga kasama ni De Luces na pumuga na sina Marvin Sulit, Reggie Balubal, Ferdinand Sagun, Ronald Gealogo, Mark Leonard Hallego, Jomarie Monforte, at Jimmy Yan. (Freddie G. Lazaro)