josh, bimby at kris copy

TOTOO pala talaga ang sinabi ni Kris Aquino na binabasa niya ang comments sa kanyang Instagram (IG) account papuri man o paninira dahil sa reaction niya sa dalawang bashers na lagi na lang binabantayan ang mga kilos niya.

“Alam ko na ang comments na dapat patulan o hindi. I will mind someone if number one, it’s written correctly, ‘yung hindi spur of the moment. ‘Pag may pertinent points na ni-raise or ‘pag constructive, pinapatulan ko.

“Pero ‘pag ‘yung minumura ka na, report na kaagad. Kapag inaapi ‘yung anak ko, sasabihin ko talaga, ‘do it straight to my face, tingnan natin kung kaya mo, kung matapang ka dahil may anonymity diyan’. Doon ako bilib sa mga super tapang talaga na harap-harapan na let’s fight , ‘di let’s fight,” pahayag ni Kris.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ini-report at blocked na kay Kris ang isang follower na inaway na naman sina Josh at Bimby at pati ang followers ni Kris na ipinagtanggol ang mag-ina. Iyong isa na nag-comment na kaya nag-effort ang TV host-actress na i-blurred ang Chanel shopping bag ng mga pinamili ay dahil ‘pa-humble’ effect siya para kay Mar.

Sinagot siya ni Kris ng, “Anong connection??? Yung isa I reported & deleted all kasi di dapat patulan, pero ikaw?

I’ve learned –- I blur brands not out of fake humility but because I was advised by my social media team to lessen the ammunition that bashers can use. Second, ako nga ang nagbubuhat -- I could very well have afforded to bring assistants to travel with us -- but I wanted our vacation to be just us. And lastly & most importantly, I paid in the vicinity of P55 million in taxes, so I can afford to shop with money I worked very hard for. Money I didn’t steal. And next time you want to criticize me, please make your account public -- courage goes hand in hand with criticism.”

Samantala, sa January 10 na ang balik nina Kris, Bimby at Josh, kaya malilinawan na kung ano ‘yung nababalitang may bagong show ang ABS-CBN na inihahanda para sa kanya. (NITZ MIRALLES)