john lloyd, dondon at erik matti copy

KABILANG si John Lloyd Cruz sa mga inimbitahan sa Kongreso sa January 11, para sa imbestigasyon sa disqualification sa best picture category ng pinagbidahan niyang MMFF entry na Honor Thy Father.

Kaya lang, paano makakadalo ang aktor kung wala siya sa bansa?

May show sa Japan sa Sunday, January 10, si John Lloyd kasama sina Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Enchong Dee at Maja Salvador. Baka sa Monday, sa petsa ng imbestigasyon, hindi pa nakakauwi ng Pilipinas si John Lloyd.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nabasa naming kasama rin sa mga inimbitahan sa Congress probe sina Sen. Grace Poe, Quezon City Mayor Herbert Bautista, MMDA Chairman Emerson Carlos, Mr. Jessie Ejercito, Mr. Dominic Du, Ms. Marichu Maceda, MTRCB Chairman Toto Villareal, Mr. Wilson Tieng, ang director na si Mark Meily, Ms. Boots Anson-Rodrigo at iba pang member ng MMFF executive committee.

Sa side ng mga taga-Honor Thy Father, imbitado rin sina film Dondon Monteverde at director ng movie na si Erik Matti.

Ala-una ng hapon sa Lunes sisimulan ang imbestigasyon sa sinasabing iregularidad sa nakaraang MMFF. (NITZ MIRALLES)