Susuwag na sa ganap na 4:00 ng umaga sa ikalawang Linggo ng taon, Enero 10, 2016, ang pinakaabangang hagibisang isinaayos ng Philippine Stock Exchange, Inc. (PSE) , na mas kilala sa tawag na 12th PSE Bull Run.

Ayon kay PSE President/CEO Hans Sica, ang karera na isang 4-in-1 foot race ay napagkampeonan noong isang taon sa tampok na 16-km run ng Aklanon na si Gregg Vincent Osorio at ang Dabawenyang si Celle Rose Jaro sa Bonifacio Global City.

Nasambit din ni Sicat, na “We hope that through an activity such as the PSE Bull Run, we will be able to create awareness about the significant role of the stock market as an engine for growth of our economy and the importance of investing stocks. We hope that running and fitness enthusiasts, retail investors and the general public will join the Bull Run to support the development of the Philippine Capital market.”

Maaari pang magpatala ng online sa www.adeventsmnl.com, para makatakbo sa The Bull Run’s 21K Challenge, na may registration fee o butaw na P900.00, P850 sa 16K Trial, P700 sa 10K Race at P600 sa 5K Run, na para sa promosyon ng Market Education Program ng PSE.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Mga race bib, timing chip, singlet, certificate, at finisher’s shirt at mga freebies sa mga makatatapos, kasama ang Finisher’s Medal para sa lahat ng tatawid ng meta sa 16K at 21K categories ng kaganapang isinaayos nina Maryanne Ringor at Adlai Asturiano ng AdEvents Manila.

Tumawag sa bilang na 366-9367 at 3646201 para sa iba pang impormasyon nang makalahok. - Angie Oredo