Disyembre 31, 1968 nang unang bumiyahe ang prototype supersonic airliner ng Soviet Union na TU-144 , tatlong buwan bago inilunsad ang Anglo-French Concorde. Ang hugis at hitsura ng TU-144 ay ginaya sa Western aircraft models.

Mabilisang binuo ang TU-144 model upang makipagkompetensiya sa Concorde, ngunit nauwi lang ito sa maraming problema, at nabigong makagawa ng pangalan sa aviation industry. Tanging 17 TU-144 unit, kabilang na ang prototype at limang “D” model, ang nabuo.

Noong Hunyo 3, 1973, sa harap ng 200,000 nanonood sa Paris Air Show, ay isang eroplano ng TU-144 ang bumulusok matapos ang matagumpay na pagpihit ng 360 degrees, at nasawi ang anim na Soviet crew at walong sibilyang French.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM