TARLAC CITY – Isang sales lady ang muntik nang gahasain sa loob ng boarding house sa Blossomville Subdivision sa Barangay Sto. Cristo sa Tarlac City.

Ang biktima ay isang 19-anyos na sales lady sa Metrotown Mall sa Tarlac City, habang ang suspek ay si Dasshel Livid, 36, hair stylist sa Kat Encarnacion, ng Bgy. Sto. Cristo, Tarlac City.

Ayon sa report, natutulog ang biktima sa tinutuluyang boarding house nang gapangin siya ng suspek at noon ay hubo’t hubad, ngunit agad na natadyakan ng babae si Livid at mabilis na nakatakbo palabas ng silid.

Kusa namang sumuko si Livid kay Barangay Kagawad Eduardo Salazar at dinala sa pulisya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog