Matapos ang matagumpay na taon ngayong 2015, naghahanda na ang pamunuan ng Philippine Super Liga (PSL) para sa papasok ng taong 2016 kung saan inaasahan nila ang higit na malaki at matagumpay na season na uumpisahan nila sa pagdaraos ng PSL Invitationals sa Pebrero.

Pangungunahan ng reigning Grand Prix champion Foton at ng 3-time champion Petron ang mga lokal na koponang sasabak sa first conference kung saan magkakaroon ng guest team mula sa ibang bansa kasama ng mamumunong tatlong local team matapos ang unang round.

Katunayan, may kasunduan na ang pamunuan ng PSL at isang koponan mula Japan para lumahok sa Invitationals.

Ayon mismo kay PSL president Tats Suzara, magkakaroon ng single round robin format lahat ng local teams kabilang na ang Philips Gold, RC-Cola, Meralco at Cignal kung saan ang tatlong mamumunong teams at uusad sa Final Four kasama ng powerhouse team ng Japan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Isang linggo lamang mamamalagi ang Japanese squad sa bansa sakaling umabot ito ng finals.

Magpapadala din ang PSL ng team sa idaraos na SMM TV Bangkok Invitationals sa Marso kung saan makakatunggali ng kinatawan ng bansa ang mga koponan galing ng host Thailand at Vietnam. - Marivic Awitan