Ni ADOR SALUTA

John Lloyd copy.jpegTULUY-TULOY ang winning streak ni John Lloyd Cruz sa pagtabo ng mahigit P500M ng A Second Chance movie nila ni Bea Alonzo. Nasundan agad ang suwerte niya dahil isa sa official entries ang family drama niyang Honor Thy Father.

Kuwento ang Honor Thy Father ng isang padre de pamilya na si Edgar na gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang mag-ina (Meryll Soriano at Krystal Brimner) laban sa masasama at sakim na taong humahabol sa kanila. 

Maraming firsts para kay John Lloyd sa Honor Thy Father. Ginawa niya rito ang mga bagay na ‘di pa niya nagagawa sa kanyang career. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagpakalbo siya. Gumamit ng baril. Gumawa ng mga stunt. Natutong magsalita ng Kankanaey dialect. Natuto pa kung paano mag-welding! 

Ibang-iba ang karakter na si Edgar kay Miggy ng A Very Special Love at It Takes a Man and a Woman. Ibang-iba rin si Edgar kay Popoy ng One More Chance at A Second Chance.

“Sobrang refreshing para sa isang fan ng rom-com John Lloyd na makita siya sa ganitong film,” sabi nga ni Direk Antoinette Jadaone.

Hindi nagpa-double si John Lloyd sa pelikula. Nag-provide ang produksiyon ng stunt double kay JLC. Pero ang ending, hindi pa rin nagpa-double si John Lloyd. Ginawa niya ang sariling mga stunt. 

Kaya kung mapapanood ninyo si John Lloyd sa Honor Thy Father na paspas ang pagmamaneho ng kotse, namamaril, lumalangoy sa malalim na tubig, at nakikipagbakbakan sa mga kalaban, nakasisiguro kayong siya mismo ‘yon at wala nang iba.

Palabas na ang Honor Thy Father ngayon sa mga sinehan, mula sa direksyon ni Erik Matti under Reality Entertainment.