Dalawang katao ang namatay sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa isang rubber plantation sa Sumisip, Basilan, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa Sumisip Municipal Police, nangyari ang pagsabog sa MARBEDCO rubber plantation sa Barangay Manggal.

Kinilala ang mga biktima na sina Boy Balal, supervisor ng plantasyon; at isang alyas “Undah”, kasapi ng Special Civilian Armed Auxiliary (SCAA).

Nabatid na rumoronda sa loob ng rubber plantation ang mga biktima kasama ang iba pang tauhan nang biglang sumabog ang bomba.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ng mga awtoridad kung anong klaseng IED ang ginamit na pagpasabog sa lugar at kung sino ang nasa likod nito. - Fer Taboy