Isang clearing operation ang isinagawa ng Manila City government, alinsunod sa direktiba ni Manila Mayor Joseph Estrada, sa Divisoria sa Maynila, kahapon ng umaga.

Kabilang sa ipinasuyod ng alkalde ang mga kalye ng Blumentritt, Reina Regente, Soler, Abad Santos, Antonio Rivera, Juan Luna, Narra, Plaza Ruiz at Sta. Elena.

Nagawa pa ni Zenaida Sanchez, tindera ng sapatos sa Soler Street, na makipagsagutan kay Estrada matapos na hindi pagbigyan ng alkalde na magkaroon pa ng extension ang kanyang puwesto sa nabanggit na kalsada.

Tiniyak naman ng alkalde na sosolusyunan ang malalang obstruction na matagal nang problema sa Divisoria..

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ilan sa mga nasabing obstruction ang mga illegal vendor, ‘di awtorisadong terminal ng jeepney, tricycle at pedicab, gabundok na basura, illegal parking, at iba pa.

Ipinag-utos rin ni Estrada na panatilihin ang maayos na daloy ng trapiko, kalinisan at kapayapaan sa Divisoria.

(Mary Ann Santiago)