Limampu’t limang pasahero ang nasugatan makaraang mahulog sa isang malalim na bangin ang sinasakyan nilang bus sa Quirino Highway, Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon noong Lunes ng gabi.

Isinugod ng mga rumespondeng pulis at rescue unit ang mga biktima sa Tagkawayan District Hospital dahil sa tinamo nilang sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya, lulan ang mga biktima sa isang Diamond Star bus (TYM-583) na minamaneho ni Roger Bantilo patungong Visaya nang mawalan ang driver ng kontrol sa sasakyan habang paakyat sa isang matarik na bahagi ng kalsada dakong 8:30 ng gabi noong Lunes.

Dahil sa aberya sa makina, tumigil ang bus at matapos ang ilang segundo, dahan-dahan itong umatras hanggang sa tuluyang bumulusok sa isang bangin na may 10 metro ang lalim.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sinabi ng mga pasahero sa pulisya na tumakas si Bantilo matapos ang insidente.

Pinaghahanap ngayon ng awtoridad si Bantilo matapos kasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple physical injuries at damage to property. (Danny J. Estacio)