Disyembre 22, 1882 nang si Edward H. Johnson ay maging unang tao na gumamit ng de-kuryenteng mga ilaw sa dekorasyong Pamasko sa loob ng bahay. Noon, pinapalamutian niya ang kanyang Christmas tree gamit ang 80 maliliit na electric light bulbs na nakakonekta sa nag-iisang power supply, at dito nalikha ang unang pinagdugtung-dugtong na ilaw sa Christmas tree.

Gumamit si Johnson ng maliliit na puti, pula, at asul na bumbilya na nasa loob ng “dainty glass eggs”, gaya ng inilarawan ni William Augustus Croffut sa kanyang artikulo.

Ngunit ayon sa ilang source, ang kasosyo ni Johnson sa negosyo na si Thomas Edison ang unang gumamit ng Christmas lights, nang isabit niya ang mga ito sa labas ng kanyang Menlo Park Laboratory noong 1880.

Hindi agad na pumatok ang paggamit ng Christmas lights, at noong ika-20 siglo lang sinimulan ng publiko na palitan ang wax candles ng de-kuryenteng bulb lights bilang dekorasyon sa Christmas tree. Ginamit na palamuti ang tradisyunal na wax candles simula noong kalagitnaan ng ika-17 siglo.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens