MANCHESTER, United States (AFP)— Direktang humingi ng paumanhin si White House hopeful Senator Bernie Sanders kay Democratic presidential frontrunner Hillary Clinton sa pagsilip ng kanyang kampanya sa voter data ng karibal.
‘’Yes, I apologize,’’ sinabi ni Sanders nang tanungin ng moderator sa debate ng partido sa New Hampshire kung dapat nga ba siyang humingi ng paumanhin kay Clinton.
‘’This is not the type of campaign that we run. And if I find anybody else involved in this, they will also be fired,’’ dagdag niya.