BATANGAS CITY - Matapos wasakin ng umapaw na ilog sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Glenda’ noong nakaraang taon, natapos ang pagkukumpuni at binuksan na ang tulay ng Calumpang, kamakailan.

Naantala ng isang araw ang pagbubukas sa publiko ng naturang tulay dahil sa bagyong ‘Nona’ kaya hindi natuloy ang ribbon cutting sa Disyembre 16.

Umani ng batikos sa social media ang pagkakaantala ng pagbubukas ng tulay dahil may mga pulitiko umanong pumipigil dito, kahit pa makakatulong ang tulay para maibsan ang trapiko sa lungsod. (Lyka Manalo)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito