SEOUL, South Korea (AP) - Daan-daang South Korean ang nagsama-sama sa Seoul upang iprotesta ang pagkakaaresto sa labor union leader na maaaring maharap sa pambihirang kaso dahil sa pagsiklab ng karahasan sa isang protesta laban sa gobyerno.

Ang demonstrasyon ang pinakabago sa serye ng alawakang protesta sa mga nakalipas na buwan laban sa kanilang konserbatibong pangulo na si President Park Geun-hye, na binabatikos dahil sa hindi maayos na pagtrato niya sa mga miyembro ng unyon at militante.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina