NAPUNO ng tawanan, iyakan at kilig ang Broadway Studio ng Eat Bulaga last Wednesday nang ipagdiwang ang 5th monthsary ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. 

Limang buwan na ang nakalilipas simula nang unang magkita sa noontime show sina Alden at Yaya Dub sa kalyeserye segment ng “Juan For All All For Juan.” 

Since malakas ang ulan dahil sa bagyong ‘Nona’, sa studio ipinasiyang i-celebrate ang monthsary. Doon na rin pumunta ang mga lola na binigyan ng spa treat ni Alden para raw mawala ang stress dahil wala pa silang nakikitang bahay na malilipatan.

Nag-throwback ang writers headed by Jenne Ferre, at sinariwa ni Alden ang pagsisimula ng love team nila ni Maine.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Yes, Meng, tuwing 16th of the month simula noong July, ‘sini-celebrate natin ang monthsary,” sabi Alden. “Pero mas mahalaga iyong June 19, nang pumunta ka rito sa Eat Bulaga at nag-audition. Kung hindi ka pumunta rito, hindi mangyayari ang July 16. Kaya uulitin natin ang audition mong iyon.”

Napaiyak si Maine kaya pinuntahan at inalo siya ni Alden. Ang pasimuno ng pagsisimula ng love team nang biruin niya si Maine na: “Naku, Yaya, nag-blush ka,” nang makita niya sa split screen sa studio si Alden, ang tumawag ng members ng AlDub Nation na nagtanong sa dalawa. Isa rito ang humingi ng message kina Maine at Alden. 

Si Maine ang unang nagsalita: “Alden, Richard (totoong name ni Alden), thank you sa lahat, sa sacrifices mo para sa kalyeserye. Thankful ako na dumating ka sa buhay ko. Hindi ko makakalimutan kahit anong mangyari. Sabi ko naman sa ‘yo, di ba? At itsi-cherish ko ito sa buong buhay ko, kahit anong mangyari.”

Alden: “ Four years na ako sa industry, maraming challenges. Nakatutuwa kasi naging part ako ng Eat Bulaga (dito naman naiyak si Alden at si Maine naman ang umalo sa kanya). ‘Tapos nakilala kita, blessing ka sa akin at sa maraming tao kaya nagpapasalamat ako sa iyo (then niyakap na niya si Maine).”

Nag-iyakan ang audience at isang tatay ang nai-focus na nagpapahid ng luha. Nag-request din ang isang fan na mag-dubsmash ang dalawa ng paborito nilang ‘wangkawkaw”. Sa audience na rin bumunot ng name si Bossing Vic Sotto ng contestant ng sugod-bahay na sina Alden at Maine ang nag-interview.

Magbibigay pa kami ng updates sa nangyari sa promo nila ng My Bebe Love at ang celebration naman nila ng 22nd Weeksary sa Cebu kamakalawa dahil live ang Eat Bulaga roon.  Kahapon, nasa Davao City naman sila.

(NORA CALDERON)