Disyembre 19, 1843 nang unang ilathala ang “A Christmas Carol” ni Charles Dickens, at umabot sa 6,000 kopya ang naibenta sa loob ng isang linggo. May kalakip itong mga illustration ni John Leech.

Kahit mabilis na nagkaubusan ng kopya, kumita lang si Dickens ng 19,119 pounds. Tampok sa libro ang industrial capitalism noong ika-19 na siglo.

Sinimulan ni Dickens ang pagsusulat ng istorya noong Setyembre 1843, at tinapos ito makalipas ang ilang buwan. Ang orihinal na titulo ng libro ay “A Christmas Carol in Prose; Being a Ghost Story of Christmas.”

Sa kasalukuyan, isa ang “A Christmas Carol” sa pinakasikat na kuwentong Pamasko. Ayon sa English novelist na si William Makepeace Thackeray, ang libro ay “a national benefit.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang mga unang kopya na nasa maganda pa ring kondisyon ay nagkakahalaga ngayon ng $30,000 at $50,000.