BUNAWAN, Agusan Del Sur — Anim na miyembro ng Philippine Army kasama ang isang junior officer ang nasugatan nang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon.

Ayon sa report ng Agusan Del Sur Provincial Police Office (ASPPO), nangyari ang pananambang dakong 3:00 ng hapon sa Barangay Bunawan Brook, Bunawan, Agusan del Sur habang nagpapatrulya ang 26th Infantry Battalion sa Bulung-bulongan area.

Ginagamot ngayon sa ospital sina 2nd Lt. Allen Cabanizas, PFCs Joemar Badulan, Michael Savi Baring, Joemar Sitoy, Kim Aliver Plariza at Denan Llano.

May hinala ang militar na kasapi ng Guerilla Front Committee 14 ng NPA-Northeastern Mindanao Regional Committee ang kanilang nakasagupa. (Fer Taboy)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito